________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang pilay sa bukung-bukong ay isang pinsala sa isa o marami pang litid sa iyong bukung-bukong. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Maraming buto ang iyong bukung-bukong, mga kalamnan, at mga litid na nakakabit sa iyong paa papunta sa iyong binti. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit.
Ang pilay ay sanhi ng isang biglaang aktibidad na nagbabaluktot sa iyong bukung-bukong, tulad ng pagkatalisod sa mga hagdanan pagbagsak sa panahon ng isang kaganapang pang-sport.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom nang mas mabilis.
Gumamit ng nababanat na benda o isang brace sa bukung-bukong tulad ng itinuturo ng iyong provider. Maaaring kailangan mong gumamit ng mga saklay hanggang makapaglakad ka nang walang pananakit.
Kung ganap na napunit ang mga litid sa iyong bukung-bukong, maaaring kailanganin mo ng operasyon. Pagkatapos ng operasyon imomolde ang iyong bukung-bukong nang 4 hanggang 8 linggo.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Para mabawasan ang pamamaga at pananakit para sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Pag-eehersisyo para bumuti ang balanse ay makatutulong maiwasan ang mga pulikat sa bukungbukong. Maaaring ituro sa iyo ng isang physical therapist o athletic trainer ang mga ehersisyo na ito.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, isuot ang tamang klase ng sapatos para sa iyong mga aktibida, at i-tape ang iyong bukung-bukong o magsuot ng brace para sa walang tigil na sports, lalo na kung napinsala na dati ang iyong bukung-bukong. Iwasan ang pagtakbo o paglalaro sa mga pang-ibabaw na hindi pantay.