Page header image

Bali sa Bukung-bukong

(Ankle Fracture)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang bali sa bukung-bukong ay isang basag o lamat sa isa o sa maraming buto sa bukung-bukong.
  • Maaaring kasama sa paggagamot ang pag-oopera, pagsusuot ng palapa, cast, suhay o espesyal na boot, at mga espesyal na ehersisyo upang matulungang lumakas ang bukung-bukong ng iyong anak at mas nababaluktot.
  • Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng healthcare provider ng iyong anak.

________________________________________________________________________

Ano ang bali sa bukung-bukong?

Ang bali sa bukung-bukong ay isang basag o lamat sa isa o sa maraming buto sa bukung-bukong Maaaring ito ay isang baluktot at maliit na basag lamang sa buto, o maaaring mabasag nang maliliit o madurog ang buto. Ang ilang bali ay maaaring lumabas sa balat.

Ang mga buto sa bukung-bukong ay ang tibia, fibula, at talus.

Ano ang sanhi?

Ang isang bali sa bukung-bukong ay kadalasang sanhi ng pagkapilipit ng bukung-bukong. Maaaring ito ay sanhi ng isang pagbagsak, direktang tama sa binti, o isang kundisyong medikal na nagsasanhi sa marupok o malulutong na buto.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pagpitik o pagputok na tunog sa oras ng pinsala
  • Pananakit, pamamaga, pagpapasa, o pangingirot na nangyayari pagkatapos na pagkatapos ng pinsala
  • Masakit kapag hinahawakan ang napinsalang bahagi o pinipigilan ang iyong anak na igawi ang bigat sa paa.
  • Ang bahagi ng bukung-bukong o paa na malamig, maputla, o namamanhid
  • Pagbabago sa anyo ng bukung-bukong

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas ng iyong anak at kung paanong nangyari ang pinsala. Titingnan ng iyong provider ang iyong anak. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:

  • Mga X-ray ng bukung-bukong
  • CT scan, na gumagamit ng mga X-ray at isang computer para makita ang mga detalyadong larawan ng mga buto
  • MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para makita ang mga detalyadong larawan ng mga buto

Paano itong ginagamot?

Dumidepende ang paggagamot sa klase ng bali.

  • Kung may nakabukang sugat sa bali ang iyong anak, maaaring kailanganin ng iyong anak ang paggagamot para kontrolin ang pagdurugo o maiwasan ang impeksyon.
  • Kung hindi tuwid ang nabaling buto, ididiresto ito ng iyong healthcare provider. Bibigyan muna ng gamot ang iyong anak para hindi masyadong masakit ang pagdidiresto.
  • Minsan kinakailangan ang operasyon para maibalik ang mga buto sa tamang posisyon.
  • Maaaring ilagay ng provider ng iyong anak ang bukung-bukong sa isang cast, suotan ng palapa, suhay, o naaalis na boot upang huwag itong magalaw habang nagpapagaling.
    • Kung may semento ang iyong anak, siguruhing hindi mababasa ang semento. Takpan ng plastik ang semento kapag maliligo ang iyong anak. Turuan ang iyong anak na huwag kakamutin ang balat sa paligid ng semento o magsusundot ng mga bagay sa babang pagitan ng semento at ng balat. Maaaring magdulot ito ng impeksyon.
    • Sasabihin sa iyo ng iyong provider kung gaanong kabigat ang maaari ilagay ng iyong anak sa binti, kung mayroon man. Maaaring gumamit ang iyong anak ng mga saklay, isang andador, o isang baston habang inuutos ng iyong healthcare provider.

Sa paggagamot, maaaring tumagal nang 4 hanggang 8 na linggo para maghilom. Maaaring magsagawa ang iyong anak ng mga espesyal na ehersisyo para tulungan ang bukung-bukong na mas lumakas at mas nababaluktot. Tanungin ang healthcare provider ng iyong anak tungkol dito.

Paano kong mapapangalagaan ang aking anak?

Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng healthcare provider ng iyong anak. At saka:

  • Para mapaliit ang pamamaga at tulungang mapawi ang sakit, maaaring sabihan ka ng healthcare provider ng iyong anak na:
    • Maglagay ng bulsa de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na binalot sa isang basahan sa bahagi ng napinsala tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan para sa una o dalawang araw matapos ang pinsala.
    • Panatilihing nakapatong sa unan ang bukung-bukong upang ito ay mas mataas sa puso kapag ang iyong anak ay nakaupo o nakahiga.
    • Painumin ang iyong anak ng gamot sa sakit, tulad ng ibuprofen, habang inuutos ng provider ng iyong anak. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Basahin ang tatak at ipainom tulad ng inuutos. Alamin sa iyong healthcare provider bago ka magbigay ng anumang gamot na naglalaman ng aspirin o salicylates sa isang bata o teen. Kasama rito ang mga gamot tulad ng baby aspirin, ilang gamot sa sipon, at Pepto-Bismol. Ang mga bata at teen na umiinom ng aspirin ay nasa peligro ng isang malalang sakit na tinatawag na Reye’s syndrome.

Tanungin ang healthcare provider ng iyong anak.

  • Paano at kailan mo makukuha ang mga resulta ng pagsusuri ng iyong anak
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan ang iyong anak
  • Kung may mga gawain na dapat iwasan ng iyong anak at kapag maaari nang bumalik ang inyong anak sa normal na gawain
  • Paanong pangalagaan ang iyong sa anak sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong ingatan at kung ano ang gagawin kung magkakaroon ang iyong anak ng mga iyon

Siguruhin na alam mo kung kailan dapat bumalik ang iyong anak para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Paano akong makakatulong na maiwasan ang bali sa bukung-bukong?

Karamihan sa mga nabaling bukung-bukong ay sanhi ng mga aksidente na hindi madaling maiwasan. Gayunman, ang mga sapatos na ganap na lapat at nagbibigay ng suporta ay maaaring makatulong maiwasan ang pinsala.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2018-01-02
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image